"Life without Music is like a Body without a Soul"
Sunday, September 25, 2011
SALAMAT
"Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah
Sana’y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko’y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon
Masabi ko sa’yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan
Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat...Haaaa.. yeah yeaah" --SALAMAT by Yeng Constantino
SALAMAT. Salamat ng Marami sa lahat ng bumoto sa isang linggong Poll sa Martin Uplate Live para sa paboritong "Kapamilya Grand Champion! "At syempre napaka-deserving naman talaga ang Pop-Rock Princess, YENG CONSTANTINO na may 69 votes galing sa 152 na boto (45%). And resulta ng botohan ay:
Angeline Quinto (Star Power1)
9 (5%)
Erik Santos (Star In a Million1)
28 (18%)
Jovit Baldivino (PGT1)
2 (1%)
Laarni Lozada (PDA2)
39 (25%)
Marcelito Pomoy (PGT2)
5 (3%)
Yeng Constantino (PDA1)
69 (45%)
HAWAK KAMAY. Hawak Kamay kami ni Yeng sa paguumpisa ng aming show na MUSIC UPLATE LIVE na nagsimula noong March 15, 2010. Mula sa Planning, Audition, Workshop at Pictorial ay magkasama na kmi para mabuo ang show na minahal naming pareho. Kilala ko na si Yeng kahit bago pa ang M.U.L. kse ako ang gumawa ng nauna nyang Bar Tour Series na nasundan pa ng isa pa para sa kanyang "LAPIT" album. Masasabi kong pareho kaming "Excited" at kinakabahan noong sa umpisa ng M.U.L. dahil unang sabak ni Yeng sa pagho-Host (na wala naman talaga kaming eksaktong script) at ako naman eh unang beses kong maging Talent Coordinator, Floor-Director at Writer (ng sabay-sabay) para sa isang live show.
LAPIT. Napa-Lapit talaga ako kay Yeng sa araw-araw (gabi-gabi pala) naming pagsasama sa M.U.L. kaya naman mas nakilala ko sya, di lang bilang isang artista at singer, kundi bilang isang totoong tao. Siya din isa sa dahilan ng mga minsang pasulpot-sulpot ko sa TV habang nagsho-show kmi sa Uplate kaya naman nagkaroon pa ako ng sarili kong Martinactics<3 Fan Page sa facebook. May isang beses naman na nakita ko ang isang lumang litrato ni Yeng na medyo nahihiya sya ipakita; pero ang masasabi ko na talagang simple lang sya at sobrang nakakabilib din kung anu na ang narating nya ngayon. Sa lahat ng kanyang nagawa at napatunayan, tunay naman na karapat-dapat sa kanya ang kung anung meron sya kse mabait siyang tao sa lahat lalo na sa kanyang pamilya.
TIME-IN. Time-ing din na sa aming araw araw na pagsasama ay nakilala ko pa rin at naging kaibgan ang kanyang Banda na "Morning Glory" at syempre ang mga "Yengsters" di ako tinuring na iba. Sobrang nami-miss ko ang mga kwentuhan namin ni Yeng habang nagme-make-up sya at ako naman eh nakikisalo din sa Make-up nya para "Fresh" ako at baka mahagip na naman ako ng mga loko-lokong Cameramen. Nami-Miss ko din ang mga tawanan at kulitan namin sa studio kasama sila Tutti, Martin at Gee. Reyna ng Gabi talaga si Yeng lalo na kapag tumatawa na at nagtatanong na parang inosente sa mga guest kaya naman sobrang naging masaya ang show sa bawat gabi.
WAG KANG MAGTATANONG. Wag ka nang Magtanong kung ilan ang Stuff Toy nya sa kanyang Condo kse sobrang dami talaga noong nakita nang minsang sinundo ko sya para sa isa naming pupuntahan. Kaya naman yun din ang naisip kong ibigay sa kanya noong Birthday nya last year; isang napakalaking Teddy Bear. At syempre di nyo naitatanon na binigyan ako ni Yeng ng dilaw na relo at pati IPOD Nano (with Tutti & Gee) noong birthday ko.
HIMALA. Hindi Himala na kinaya ni Yeng ang pag-host ng Awit Awards kasama si Tutti. Na pagkatapos ng event na yun ay sobrang nagmadali kaming makabalik sa studio para sa M.U.L. At di rin Himala noong nabigyan na si Yeng ng mga "Spiels" sa ASAP kapag linggo na kahit papano ay bunga ng pagiging host nya gabi-gabi sa Music Uplate Live. At sobrang "PROUD" ako sa kanya sa Limang beses na pagkakapanalo sa MYX Music Awards .
SABIHIN MO NA. Sabihin mo na minsan ay meron din kaming di pagkakaunawaan ni Yeng pero di naman talaga dinadamdam ang mga bagay na parte lamang ng trabaho. Ang mas importante ay ang respeto na meron kami sa isa't isa bilang katrabaho at kaibigan kaya naman sobrang masaya ako at nakasama ko si Yeng ng halos gabi-gabi sa M.U.L ng isang taon at tatlong buwan.
HABAMBUHAY. Habambuhay talaga akong hahanga kay Yeng dahil sa kanyang "Dedication & Passion" para sa kanyang trabaho bilang mang-aawit at isang sumusulat ng awitin. Kaya naman sobrang saya ko sa panonood sa kanya noong 2nd Major Concert nya noong Aug. 5 sa Aliw Theater. At syempre meron din siyang bagong album na "YENG VERSIONS LIVE". Kung di man ako nagkakamali ay sa akin nanggaling ang tittle na ito. Noong gabi bago ang Concert-Recording ni Yeng ay kasama ko si Ms. Annabelle Regalado-Borja sa Dinner at napagusapan nga ang Title ng album; bilang naging maganda naman ang pagtanggap ng tao sa Yeng Versions sa Music Uplate Live at pasok naman sa konsepto ng album eh sinabi ko na yun ang maging title at tinanggap naman ito agad. Na kahit na di ako nakapunta noong gabi sa concert dahil sa isang trabaho ay masasabi kong may naiambag ako para kay Yeng.
PANIWALAAN MO. Paniwalaan mo Yeng na ako ang isa sa mga taong magtatanggol at susuporta sa'yo sa kung saan ka man dalhin ng iyong pagkanta, pagsusulat at pati sa pagho-host. Isa ka sa mga taong parte ng buhay ko at di ka isang katrabaho lamang kundi isang kaibigan na dating nakatira sa Montalban na ngayon ay isa nang Prinsesa....Paniwalaan Mo!
"Pag-ibig ko sayo’y totoo
Ni walang halong biro
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Walang ibang mamahalin
Kung di ikaw lamang giliw
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Sa aking buhay ay walang kapantay
Aking pagmamahal sa iyo’y tunay ey
Pag ibig ko sayo’y totoo
Ni walang halong biro
Kaya’t sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Sa aking buhay ay walang kapantay
Aking pagmamahal asahan mong tunay
Sa aking buhay ay walang kapantay
Aking pagmamahal asahan mong tunay
Kaya’t sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito ohhh
Kaya’t sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito eyeyehhhh" - PANIWALAAN MO by Yeng Constantino
<credits to all the owners of the Youtube videos/ pictures used in this blog>
Super sweet!!! :) ganda ng blog moh kuya martz! :) sarap basahin lalo na't about kay Yeng ang latest blog! :) hehehehe.... Aun we love u kuya martz at di magbabago un... Kasama moh ako sa pagpatuloy ng paglalakbay moh.... From our livestream kulitan na kahit taung two nalang naguusap dun hahaha to the first time na mamemeet kita in person! Nangako ka sa akin na lalabas tau hahaha kaya wag ka magtatago dahil hahagilapin kita pag uwi ko! Hahaha about Yeng naman ito lang masasabi ko she's a TRUE and Genuine person. And I LOVE HER! -Marakhulet
from my kpop idols Double S 501 (Kyu,Saeng, and Hyun Joong) to my crush Yeng na talaga namang nakakatomboy ang kagandahan at nakakabilib na mang aawit, composer, and a host...naku naku naku salamat po ng madami sa mga accounts mo sa aking mga idols..mas nakikilala ko sila at mas mamahalin pa ng todo:))...ikaw na kuya martz ang super ASTIGIN...remember ko pa nung nasa lanai kami ng Sofitel while waiting for KyuSaeng you asked all of us kung namumukhaan ka namin ako lng ang sumagot nang "OO at nagsabing ikaw si kuya martin"..alam kong ikaw si kuya martz ng MUL kasi fanatic ako ni Yeng at ni Tutti and of course the show itself MUL...haha!!hope to see you again soon kuya! God Bless u more^^--@neriebash
galing! galing! mo talaga kuya marts! :)
ReplyDeleteSuper sweet!!! :) ganda ng blog moh kuya martz! :) sarap basahin lalo na't about kay Yeng ang latest blog! :) hehehehe.... Aun we love u kuya martz at di magbabago un... Kasama moh ako sa pagpatuloy ng paglalakbay moh.... From our livestream kulitan na kahit taung two nalang naguusap dun hahaha to the first time na mamemeet kita in person! Nangako ka sa akin na lalabas tau hahaha kaya wag ka magtatago dahil hahagilapin kita pag uwi ko! Hahaha about Yeng naman ito lang masasabi ko she's a TRUE and Genuine person. And I LOVE HER! -Marakhulet
ReplyDeletefrom my kpop idols Double S 501 (Kyu,Saeng, and Hyun Joong) to my crush Yeng na talaga namang nakakatomboy ang kagandahan at nakakabilib na mang aawit, composer, and a host...naku naku naku salamat po ng madami sa mga accounts mo sa aking mga idols..mas nakikilala ko sila at mas mamahalin pa ng todo:))...ikaw na kuya martz ang super ASTIGIN...remember ko pa nung nasa lanai kami ng Sofitel while waiting for KyuSaeng you asked all of us kung namumukhaan ka namin ako lng ang sumagot nang "OO at nagsabing ikaw si kuya martin"..alam kong ikaw si kuya martz ng MUL kasi fanatic ako ni Yeng at ni Tutti and of course the show itself MUL...haha!!hope to see you again soon kuya! God Bless u more^^--@neriebash
ReplyDeleteNICE ONE PO kuya marts XD
ReplyDelete-eeann
astig!
ReplyDeletegawa ka naman ng movie ni yeng
mga japanese story para matindi ung twist
sawa na ako sa filipino story
like story of naruto, final fantasy 8. 9, 10
c yeng ung bidang girl. he he
sana lang poh
from mark lantiz of cavite
yeah .. super CLAP OR MARTIN :)
ReplyDeleteaabangan koo uplte mea .:))